Basketball legend Kobe Bryant and his 13-year-old daughter Gianna were among the nine people killed in a helicopter crash in California, Sunday morning, January 26. |
Kabilang ang Filipino basketball fans sa mga nagluluksa sa buong mundo dahil sa pagpanaw ng Los Angeles Lakers legend na si Kobe Bryant sa edad na 41.
Nag-crash ang helicopter na sinasakyan ni Kobe sa Calabasas, California noong Linggo ng umaga, January 26.
Ayon sa Los Angeles County Sheriff's Department, kasama rin sa nasawi sa helicopter crash ang 13-year-old daughter ni Kobe na si Gianna at pitong iba pa.
Base sa ulat ng New York Times, iniimbestigahan na ng police authorities ang sanhi ng pagbagsak ng helicopter.
Si US President Donald Trump ang isa sa mga unang nagkumpirma sa trahedya na nangyari sa pamamagitan ng kanyang tweet na ito:
"Reports are that basketball great Kobe Bryant and three others have been killed in a helicopter crash in California. That is terrible news!”
Reports are that basketball great Kobe Bryant and three others have been killed in a helicopter crash in California. That is terrible news!— Donald J. Trump (@realDonaldTrump) January 26, 2020
KOBE BRYANT'S BASKETBALL CAREER
Nag-umpisa ang professional basketball career ni Bryant noong 1996.
Itinuturing siyang basketball icon at isa sa greatest NBA players of all time.
Itinanghal siyang All-Star sa 18 ng kanyang 20 seasons para sa Los Angeles Lakers, at naging malaking instrumento para mapanalunan ng kanilang koponan ang limang championships.
Napanalunan niya ang Most Valuable Player Award noong 2007 at 2008, at Finals MVP noong 2009 at 2010.
Nagretiro siya sa NBA noong 2016.
Naulila ni Kobe ang kanyang asawang si Vanessa at ang tatlo pang kapatid na babae ni Gianna.
KOBE BRYANT AND THE PHILIPPINES
Maraming beses na dumalaw si Kobe sa Pilipinas.
Unang bumisita si Bryant sa ating bansa noong 1998 dahil siya ang special guest sa basketball competition ng isang popular sportswear na ginanap sa SM Megamall.
Noong June 2016 ang pinakahuling pagbisita niya sa Pilipinas para sa kanyang Mamba Mentality Tour sa Smart Araneta Coliseum.